102 na OFWs mula US at Côte d’Ivoire nakauwi na ng bansa

Dumating sa bansa ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpa-repatriate sa pamahalaan dahil sa pangamba sa COVID-19 sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Martes (April 21) ng gabi 102 pang OFWs na mula sa US at Côte d’Ivoire ang dumating sa bansa.

Lima sa kanila ay pawang land-based OFWs sa isang Japanese-owned corporation sa Côte d’Ivoire at 97 naman ay seafarers ng MS Norwegian Joy mula Los Angeles.

Sasailalim sila sa 14-day mandatory quarantine base sa guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

Read more...