Confirmed COVID-19 cases sa Maynila, 492 na

Nadagdagan pa rin ang mga residenteng tinamaan ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (Aprill 21), 492 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Narito ang napaulat na kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Binondo – 7
– Ermita – 16
– Intramuros – 1
– Malate – 31
– Paco – 26
– Pandacan – 23
– Port Area – 4
– Quiapo – 8
– Sampaloc – 106
– San Andres – 33
– San Miguel – 8
– San Nicolas – 5
– Sta. Ana – 24
– Sta. Cruz – 48
– Sta. Mesa – 42
– Tondo 1 – 62
– Tondo 2 – 48

Batay pa sa datos, isa lang ang itinuturing na ‘probable’ habang 655 ang ‘suspected COVID-19 cases.’

Samantala, umabot na sa 62 ang pasyenteng gumaling sa lungsod at 53 ang pumanaw.

Read more...