Batanes, COVID-19 free pa rin

Nananatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes.

Sa Facebook post ng provincial government ng Batanes, inanunsiyo nito na negatibo ang isang ‘suspect COVID-19 case’ sa lalawigan.

Isinagawa anila ng Baguio General Hospital and Medical Center ang pagsusuri sa ipinadalang specimen mula sa Batanes.

Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 30 probinsya ang wala pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...