Mga estudyante ng PLM, makakatanggap ng monthly allowance mula sa Manila LGU

Makakatanggap ng monthly allowance mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ayon kay Mayor Isko Moreno, mismong ang mga barangay ang mag-aaboot ng monthly allowance sa mga estudyante.

Nasa 2,680 na estudyante ng PLM ang makakatanggap ng benepisyo.

Sinabi ng alkalde na P3,000 ang makukuha ng estudyante na nakatanggap na noong Enero habang P4,000 naman sa wala pang natatanggap.

Nasa P9,649,000 ang pondo para rito mula Enero hanggang Abril.

Samantala, sinabi ni Moreno na inaayos pa ang database para maibigay nang tama ang allowance para sa Universidad de Manila (UdM) at Grade Grade 12 students sa lungsod.

Read more...