Sa Facebook, sinabi ng Department of Health (DOH) na kukunin nito ang BGI COVID-19 laboratory equipment na nagkakahalaga ng US$2.5 million.
Maaari anilang ma-set up ang nasabing laboratory equipment nang pito hanggang 10 araw.
Kaya ng laboratory equipment na makapagsagawa ng mahigit 45,000 COVID-19 tests.
Sinabi ng kagawaran na inaasahang darating sa Clark, Pampanga ang C130 plane bandang 10:30, Martes ng gabi (April 21).
“The Philippine Government, thru the grant assistance from the Asian Development Bank, secured these equipment to strengthen the testing capacity of the country,” batay pa sa post.
MOST READ
LATEST STORIES