Bilang ng naisagawang COVID-19 test, higit 58,000 na – DOH

Photo grab from PCOO Facebook live video

Umabot na sa mahigit 58,000 ang bilang ng naisagawang COVID-19 testing sa Pilipinas.

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 20), nakapagsagawa na ng 58,072 individual tests sa bansa.

Base sa datos, 7,547 o 13 porsyento ang lumabas na positibo sa sakit.

50,471 naman o 86.9 porsyento ang nagnegatibo sa COVID-19.

Nilinaw ni Vergeire na mas mataas ang total positive tests kaysa sa total confirmed cases dahil dumadaan pa sa case validation and processing.

Kapag naka-admit sa ospital ang pasyente, nagkakaroon aniya ng repeat test upang malaman kung positibo pa sa sakit o hindi.

Sa huling datos ng DOH, nasa 6,599 ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Read more...