Bilang ng Filipino sa abroad na nasawi dahil sa COVID-19, nadagdagan ng 10

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 21, nasa 1,084 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 662 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 269 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nadagdagan ng 10 ang nasawing overseas Filipino. Dahil dito, 154 na ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 279 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 371 na kaso, Middle East/Africa na may 156 na kaso habang ang Americas naman ay may 278 cases.

Read more...