Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Yumanig ang magnitude 3.4 na lindol sa Columbio, Sultan Kudarat Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 8 kilometers Southeast ng Columbio bandang 4:18 ng hapon.

3 kilometers ang lalim at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring naitalang intensities at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...