Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 21), 6,599 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
140 ang panibagong napaulat na positibong kaso sa nakalipas na 24 oras.
Siyam na pasyente naman ang bagong naitalang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 437 na.
Samantala, 41 na pasyente ang gumaling at naka-recover sa COVID-19.
Dahil dito, ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa ay nasa 654 na.
MOST READ
LATEST STORIES