Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, sa ngayon ay mayroong apat na makina na ginagamit ang Red Cross.
Bawat makina ayon kay Gordon ay kayang makapagsagawa ng 1,000 test kada araw.
Inaasahan na magkakaroon ng dagdag pang apat na makina kaya mangangahulugan ito ng 8,000 COVID-19 test kada araw.
Sa mga susunod na araw ay mayroon pang idaragdag na apat na makina ang Red Cross kaya aabot na sa 12,000 per day ang testing capacity nito.
Target din ng Red Cross na makapaglagay ng 21 Molecular Laboratory sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na sa mayrong Red Cross station.
Kapag natapos na ang problema sa COVID-19 sinabi ni Gordon na magagamit pa din ang nasabing mga laboratoryo sa pag-test sa Hepa, HIV at maging cancer.