Blumentritt Market sa Maynila babantayan na ng mga tauhan ng SAF

Bantay-sarado ng mga tauhan ng Special Action Forice (SAF) ang Blumentritt Market sa Maynila.

Lulan ng armored multi-purpose vehicle ang mga miyembro ng SAF nang dumating sa palengke para magmando sa pagpapatupad ng social distancing sa mga namamalengke.

Titiyakin ng mga tauhan ng SAF na naipatutupad ang social distancing sa pagpasok ng mga tao sa palengke.

Mahigpit ding ipinatutupad ang no quarantine pass no entry sa palengke.

Habang lahat ng pumapasok ay kinukuhanan ng temperatura.

 

 

Read more...