Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Senator Richard Gordon, dapat sinasabi ng gobyerno kung ilan ba talaga ang datos ng posibleng tamaan ng sakit sa bansa.
Kung ibabase sa dami ng kaso sa Amerika na 1 to 2 percent ng kanilang mga mamamayan ang nagkasakit, sinabi ni Gordon na maaring 1 milyon hanggang 2 milyon na katao sa Pilipinas ang kailangang i-test.
“Kung 1 percent o 2 percent of the population, 1 million o 2 million people ang ite-test mo,” ani Gordon.
Naniniwala din si Gordon na kahit umiiral ang ECQ ay kaya namang normal na makapag-operate ng ilang mga kumpanya.
Ang kailangan lang aniya ay hanapan ng hotel na pansamantalang matutuluyan ang mga empleyado para hindi na sila kailangang magbiyahe araw-araw pauwi ng bahay at papasok ng trabaho.