Bayan ng Montalban sa Rizal nakapagtala na ng 2 nasawi dahil sa COVID-19

Mayroon nang nasawing pasyente ng COVID-19 sa bayan ng Montalban sa Rizal.

Ang dalawang pasyenteng pumanaw ang mga unang nasawi sa naturang bayan dahil sa sakit.

Batay sa datos, sa 14 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Montalban, 2 ang pumanaw at mayroon ding 2 naka-recover.

Ang dalawang pumanaw na pasyente ay mula sa Barangay Burgos at Barangay San Jose.

Patuloy ang contact tracing ng lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng dalawang pumanaw na pasyente.

 

 

 

 

Read more...