COVID-19 Treatment Facility sa Pier 15 handa nang tumanggap ng mga pasyente

Handa nang tumanggap ng mga pasyente ang Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 na nai-convert na bilang COVID-19 Treatment Facility.

Mga pasyenteng mayroong mild na sintomas ang tatanggapin sa nasabing pasilidad.

Sinimulang i-convert ang terminal bilang COVID-19 Treatment Facility noong April 13 at natapos bago ang sampung araw.

Ang Pier 15 Covid-19 Treatment Facility ay mayroong 211 cubicles na hinati sa tatlong zones – mild, advanced at severe infections.

Maroong hospital beds, portable toilets, cargo containers na nilagyan ng shower rooms, at open-air dining facilities.

Ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) at health and safety personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magbibigay ng atensyong medical sa mga pasyente sa naturang pasilidad.

 

 

 

 

Read more...