Ayon kay Salceda, lumalabas sa mga “quantitative at scientific evidence” na wala pa ang bansa sa punto na tinawag nitong “justified confidence” sa paglaban sa COVID-19.
“We’re simply not there yet, no matter how much we wish this pandemic to end. It would be almost willful neglect to say that the country can now reopen,” ani Salceda.
Paliwanag nito nasa 46,000 pa lamang ang nasusuri sa COVID-19 at posibleng pagdating ng April 30 ay saka pa lamang ang panibagong 80,000.
Dahil aniya sa 130,000 test o 0.1% ng populasyon ng Pilipinas ay malamang marami pa rin na asymptomatic ang hindi ma-detect at magpakalat-kalat.
Ang pag-alis sa ECQ sa April 30 ayon kay Salceda ay maglalagay lamang sa panganib sa buong bansa sa infection na dala ng COVID-19 kahit na ano pang gawing social distancing.
Aniya, “thus, lifting the ECQ amounts to carelessly exposing the entire population to infection, no matter what residual social distancing.”
Bagama’t nagtagumpay aniya ang NTF sa pagpapabila nang social interaction, naniniwala si Salceda na mababalewala lamang ito kung hindi nababawasan muna ang aniya’y infectiousness ng sakit.
Ang dapat na gawin aniya sa ngayon ay matiyak na mapababa ang potensyal nang pagkahawa ng virus pati na rin ang pagpapalakas sa kapasidad ng healthcare system.