Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa abroad, halos 1,000 na – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 20, nasa 990 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 584 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 263 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 143 naman ang nasawing overseas Filipino dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 274 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 351 na kaso, Middle East/Africa na may 156 na kaso habang ang Americas naman ay may 209 cases.

Read more...