BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 6,459

Patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (April 20), nasa 6,459 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

200 ang napaulat na panibagong COVID-19 positive cases sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

19 pang pasyente ang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths sa bansa ay nasa 428 na.

Batay pa sa datos, 41 pang kaso ang gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 613 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.

Read more...