Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes (April 21)

Magkakaroon ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Total, PTT Philippines, Cleanfuel, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell, Petron, Flying V, Caltex at Petro Gazz, mababawasan ng P1.15 ang bawat litro ng kanilang diesel habang P0.55 naman sa gasolina.

Sinabi pa ng Seaoil, Shell, Petron, Flying V at Caltex na P0.60 ang ibababa ng bawat litro ng kanilang kerosene o gaas.

Buena manong magpapatupad ng oil price rollback ang Caltex epektibo bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (April 21).

6:00, Martes ng umaga, naman simulang ipapatupad ang oil price adjustment sa PTT Philippines, Petron, Total, Phoenix Petroleum, Flying V, Shell, Seaoil at Petrogazz.

Samantala sa Cleanfuel, magsisimula ang bawas-presyo bandang 8:01, Martes ng umaga.

Read more...