Rice farmers makatatanggap ng P5,000 tulong mula sa DA

Tatanggap ng P5,000 ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) ang maliliit na rice farmers.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang one-time cash assistance ay ayuda sa mga magsasakang apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Umabot sa 591,246 na magsasaka sa 34 na lalawigan sa bansa ang natukoy na beneficiaries ng nasabing cash assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ang iba pang magsasaka ay masasakop naman ayon kay Dar ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng social amelioration program.

Ang tulong ng DA ay matatanggap sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines.

Read more...