Isang security personnel ng Kamara nagpositibo sa COVID-19

Isa na namang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, ang pinakabagong kaso ay isang security personnel ng Kamara.

Bago aniya tamaan ng COVID-19, sumasailalim na sa dialysis ang security personnel at huli itong nag-report sa duty noon pang Enero.

Naospital ang security personnel noong April 7 dahil sa pneumonia pero ito ay na-discharged din sa pagamutan noong April 11.

Ang nasabi anyang kawani ay asymptomatic at kasalukuyang nasa ospital matapos na lumabas na positibo ito sa coronavirus disease.

Read more...