Bilang ng nasawi sa pamamaril sa Canada, 13 na

Umakyat na sa 13 ang kumpirmadong nasawi sa pamamaril na naganap sa Nova Scotia, Canada.

Ayon sa ulat ng Royal Canadian Mounted Police may mga nakitang nasawi sa loob ng kanilang bahay at may nakita rin na nasa labas ng kanilang mga bahay.

Nangyari ang pamamaril sa rural town na Portapique sa Nova Scotia Province.

Sa inisyal na impormasyon ay nagdisguise bilang pulis at nagsuot ng police uniform ang suspek at binago pa ang itsura ng kotse niya para magmukhang pag-aari ng Royal Canadian Mounted Police.

Matapos mamaril, sinilaban pa ng suspek ang ilang mga bahay sa lugar.

Napatay naman ng mga otoridad ang suspek na si Gabriel Wortman.

Sa ngayon ay iniisa-isa pa ang mga bahay sa lugar para malaman kung mayroon pang ibang biktima.

 

 

 

 

Read more...