Kaso ng COVID-19 sa Rizal 279 na

Umakyat na sa 279 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Sa nasabing bilang, mayroong 43 naka-recover na at 44 naman ang pumanaw.

Mayroon pang 413 na suspected COVID-19 cases sa Rizal.

Narito ang bilang ng COVID-19 cases sa mga bayan sa lalawigan:

Antipolo – 85
Cainta – 65
Binangonan – 33
Taytay – 30
San Mateo – 18
Montalban – 14
Teresa – 10
Angono – 10
Cardona – 5
Morong – 4
Baras – 3
Jalajala – 2
Tanay – 1

Nananatili namang walang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Pililia.

Read more...