Mga pulis na tinamaan ng COVID-19 umakyat na sa 71

Umakyat na sa 71 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, sa nasabing bilang ay nakapagtala naman na ng 10 naka-recover o gumaling habang mayroong 3 ang nasawi.

Ayon pa sa PNP, 59 ang probable cases ng COVID-19 sa kanilang hanay.

At mayroon ding 604 na suspected cases.

Pinayuhan naman ang mga pulis na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na agad tumawag sa PNP Health Service para mabigyan ng atensyong medikal.

Read more...