10 patay sa pamamaril sa Canada

Hindi bababa sa 10 ang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa Nova Scotia, Canada.

Ang suspek ay nakasuot ng police uniform na kalaunan ay napatay din ng mga raumespondeng pulis.

Kinilala ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ang suspek na si Gabriel Wortman, 51 anyos.

Kinumpirma din ng RCMP na isang constable nila na rumesponde sa insidente ang nabaril at napatay ng suspek.

Hindi pa tukoy kung ano ang dahilan ng bigla na lamang pamamaril ng suspek.

Tumagal umano ng dose oras ang ginawang pamamaril ng suspek na sinimulan niya ng gabi ngn Sabado at inabot ng Linggo.

Read more...