Pangulong Duterte at Pres. Trump nag-usap sa telepono kaugnay sa laban vs COVID-19

Nagkausap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.

Pinag-usapan ng dalawa ang posibleng bilateral cooperation ng dalawang bansa kaugnay sa paglaban sa COVID-19.

Ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go tumagal ng 18 minuto ang pag-uusap ng dalawang lider sa telepono.

Ang US ang bansang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng kaso at nasawi sa COVID-19.

Read more...