Niyanig ng magnitude 4.3 at 3.7 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig sa 5 kilometers Northeast ng bayan ng Columbio, alas-4:30 madaling araw ng Lunes (April 20) at may lalim na 8 kilometers.
Naitala ang intensity 3 sa Magsaysay, Davao del Sur.
Naitala rin ang sumusunod na instrumental Intensities:
Intensity III – Kidapawan City
Intensity I – Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 4 kilometers Northeast ng bayan pa rin ng Columbio, alas-5:10 madaling araw ng Lunes at may lalim na 5 kilometers.
Naitala naman ang instrumental intensity1 sa Kidapawan City, Cotabato
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.