LOOK: Bagong schedule ng pamimili sa Pasig Mega Market, sisimulan sa April 20

Naglabas ang pamahalaang lokal ng Pasig City ng bagong schedule para makapamili sa Pasig Mega Market.

Bawat araw ay mayroong naka-assign na barangay na maaaring mamalengke.

Narito ang schedule ng mga barangay:

Lunes at Huwebes:
– Rosario
– Santolan
– Maybunga
– San Miguel
– Ugong
– Dela Paz
– Palatiw
– Sto. Tomas
– Malinao
– Sumilang

Martes at Biyernes:
– Manggahan
– Sta. Lucia
– Kalawaan
– Sagad
– Buting
– San Joaquin
– Caniogan
– Sta. Cruz
– Oranbo
– Bagong Katipunan

Miyerkules at Sabado:
– Pinagbuhatan
– San Jose
– Bagong Ilog
– Bambang
– Pineda
– Kapitolyo
– San Antonio
– Kapasigan
– San Nicolas
– Sta. Rosa

Magbubukas anila ang palengke mula 5:00 ng madaling-araw hanggang 5:00 ng hapon.

Kailangan lamang magdala ng valid ID o anumang katibayan na residente ng barangay.

Hindi anila makakapasok ng palengke ang walang katibayan ng tirahan.

Ayon sa Pasig LGU, layon nitong mapanatili ang social distancing.

Read more...