Anim na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Bicol region

Nakapagtala ng anim na panibagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa datos ng DOH CHD Bicol hanggang 6:00, Linggo ng umaga (April 19), 25 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit.

Naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Albay – 19
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 5

Nasa 203 ang bilang ng naitalang person under investigation (PUI).

Sa nasabing bilang ng PUIs, 175 ang negatibo sa COVID-19.

Sinabi pa ng DOH CHD Bicol na dalawa pa ang nagnegatibo habang hinihintay pa ang resulta ng tatlong iba pa.

Apat na pasyente naman ang naka-confine pa sa pagamutan at isa ang nakasailalim sa home quarantine.

Read more...