BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 6,087

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (April 18), umabot na sa 6,087 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

209 ang panibagong napaulat na kaso ng virus sa nakalipas na 24 oras.

10 namang pasyente ang nasawi sa bansa kung kayat ang COVID-19 related deaths ay nasa 397 na

Samantala, batay pa sa datos, 29 pasyente ang gumaling sa sakit.

Dahil dito, ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa ay nasa 516 na.

Read more...