Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, gagamitin ang “We Heal as One” center bilang karagdagang health facility para ma-isolate at magamot ang mga pasyenteng apektado ng COVID-19.
Natapos aniya ang pagsasaayos sa 132-bed facility sa loob lamang ng tatlong araw mula April 15 hanggang 17.
“I am truly proud of the demonstrated teamwork and responsiveness of DPWH”, ani Villar.
Pinangunahan ng DPWH Taskforce ang augmentation ng local at national health facilities upang mapabilis ang construction process sa pamamagitan ng paghahati sa lugar sa tatlong clusters para simultaneous activities.
Nakumpleto na rin ang dalawang nurse station.