Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 210

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 210 ang kabuuang kaso (Sabado, April 18 10:00 AM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 34
Santa Rosa – 25
Biñan – 23
Calamba – 22
Los Banos-16
Santa Cruz – 16
San Pablo – 15
Cabuyao – 8
Calauan-6
Bay – 5
Liliw – 5
Pagsanjan – 5
Pila – 5
Victoria – 5
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Majayjay – 3
Cavinti-2
Kalayaan – 2
Lumban – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Pakil – 1

Sa nasabing bilang 116 pa ang naka-admit sa mga ospital, 39 ang sumasailalim sa home quarantine at 38 na ang naka- recover.

Nasa 17 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.

Read more...