344 overseas Filipinos, nakasailalim sa mandatory 14-day quarantine sa quarantine ships sa Maynila

Nakasailalim na ang 344 overseas Filipinos sa mandatory 14-day quarantine sa mg itinalagang quarantine ship sa Maynila.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ilan sa mga overseas Filipino ay land-based at sea-based workers mula South Korea, Indonesia, Qatar, United States, Taiwan, United Arab Emirates, Brunei at ilang European countries.

Sa unang quarantine ship, mayroong naa-accommodate na 274 na OF; 146 ang lalaki habang 128 ang babae.

Sa ikalawang quarantine ship, 70 katao ang naa-accommodate kung 46 ang lalaki at 24 ang babae.

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng PCG na mananatiling ligtas at malusog ang mga overseas Filipino habang naka-quarantine.

Katuwang din ang 2GO company para mapanatiling malinis at sapat ang suplay ng pagkain sa quarantine ships.

Nakadaong ang quarantine ships sa Pier 15 sa Port Area, Manila.

Read more...