437 Filipino seafarers mula USA, nakauwi na ng Pilipinas

Photo grab from DFA Twitter video

Nakabalik na ng Pilipinas ang mahigit 400 Filipino seafarers mula sa Estados Unidos.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa Pilipinas ang 437 Filipino seafarers mula Miami, Sabado ng umaga.

Lulan anila ang mga Pinoy seafarer ng dalawang chartered flights.

Nagmula ang mga seafarer sa Norwegian Epic, Gem at Star sa Miami.

Tiniyak naman ng kagawaran sa mga overseas Filipino ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga repatriation.

Read more...