Kapatid ni Sec. Bello, pumanaw dahil sa COVID-19

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pumanaw ang kaniyang kapatid bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ng kalihim na natanggap nila ang ulat ukol sa pagpanaw ng kapatid na si Catherine, Sabado ng umaga (April 18).

Isinugod aniya sa ospital si Catherine noong March 25.

Kalaunan aniya ay napag-alamang positibo sa nakakahawang sakit ang kaniyang kapatid.

Sinabi ng kalihim na malapit nang maka-recover ang paborito niyang kapatid ngunit hindi pa nito alam kung anong nangyari.

Ani Bello, si Catherine ang unang nasawi sa kanilang 10 magkakapatid.

Read more...