Palasyo, kinondena ang pag-atake ng Abu Sayyaf sa Sulu

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pag-atake ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa tropa ng pamahalaan sa Patikul, Sulu.

Nasa 11 sundalo ang nasawi habang 14 iba pa ang sugatan sa engkwentro sa bahagi ng Sitio Bud Lubong sa Barangay Danag.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito na ang ikalawang engkwentro ng militar at ASG.

April 16 nang maganap ang unang sagupaan at tatlong sundalo ang nasugatan.

Aniya pa, walang pinipiling panahon ang mga rebeldeng grupo sa kabila ng nararanasang COVID-19 crisis.

Tiniyak nito na nananatiling handa ang mga otoridad para labanan ang kalaban ng gobyerno sa kasagsagan ng umiiral na public health emergency.

Dagdag pa ni Roque, nakikiramay ang Office of the President sa naiwang pamilya ng mga nasawing sundalo na nakipaglaban para protektahan ang komunidad.

“We honor and pray for the fallen,” pahayag pa ni Roque.

Read more...