Ayon sa 4PM PAGASA weather update, mainit at maalinsangang panahon pa rin ang patuloy na mararanasan sa bansa lalong-lalo na sa silangang bahagi dahil pa rin sa epekto ng Easterlies.
Sa malaking bahagi naman ng Visayas at katimugang Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon.
Makararanas naman ng mga pag-ulan dulot ng thunderstorms sa ilang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon at sa ilang bahagi rin ng Mindanao.
Maaliwalas na panahon ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon lalong-lalo na sa umaga at tanghali at mababa ang tyansa ng pag-ulan pero asahan na rin ang mga pag-ulan dulot ng isolated thundserstorms.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap naman na papawirin ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Wala namang nakataas na gail warning sa mga baybaying dagat kaya’t maaring maglayag ang mga mangingisda ngayong araw.
Samantala, wala namang nakikitang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na maaaring makaapekto sa bansa loob ng 3 hanggang 5 araw.