Nakapagtala na ng 766 na healthcare workers sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nasabing bilang, 399 ay mga doktor at 242 naman ang nurse.
Nakapagtala na din ang DOH ng 22 na health workers ang pumanaw sa sakit.
Kasabay nito ay muling kinondena ng DOH ang anumang uri ng pangha-harass at diskriminasyon sa mga healthcare worker.
Ani Vergeire, binubuwis ng mga ito ang kanilang buhay para malabanan ng bansa ang COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na tuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa DILG para matiyak na napoproteksyunan ang mga healthcare worker.
MOST READ
LATEST STORIES