COVID-19 testing facilities sa bansa, 17 na

Nadagdagan pa ang COVID-19 testing facilities na nabigyan ng akreditasyon ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaprubahan na ng DOH ang akreditasyon ng COVID-19 testing facility sa Chinese General Hospital.

Dahil accredited na, sinabi ni Vergeire na maari nang tumanggap at magproseo ng COVID specimens ang naturang ospital.

Umabot na ngayon sa 17 ang bilang ng mga COVID testing facilities.

Mayroon namang 47 pa na sumasailalim sa certification process ng DOH.

 

 

 

Read more...