Twitter account ng Pasig PIO napasok ng hacker

Kinumpirma ni Pasig City Mayor Vico Sotto na napasok ng hacker ang Twitter account ng Public Information Office (PIO) ng lungsod.

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Sotto na na-hack ang official Twitter account ng Pasig PIO alas 10:15 ng umaga.

Sa ngayon ay na-secure na aniya ang Twitter account.

Patuloy na rin aniya ang ginagawang imbestigasyon sa nangyari.

Read more...