Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Finance Assistant Sec. Tony Lambino na naghahanda din ang gobyerno sa paglikha ng dagdag na trabaho kapag nakabalik na sa normal ang sitwasyon.
Ito ay dahil maraming empleyado ang tuluyang nawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Mas malaking programa ayon kay Lambino sa Economic Recovery Plan ang inihahanda ng gobyerno.
“Pagkatapos nitong COVID kailangan nating mag-put in place at mag-implement ng programa na babalik ang ating kababayan sa kanilang trabaho o we create new jobs for our fellow Filipinos,” ani Lambino.
Ang naturang Economic Recovery Plan ayon kay Lambino ay inilalatag na sa pamamahala ng National Economic Development Authority (NEDA).