Lahat ng OFWs na umuuwi sa bansa obligadong sumailalim sa quarantine

Obligadong sumailalim sa 14 na araw na quarantine ang lahat ng umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) landbased man o seabased OFW ay dapat sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Nilinaw din ng DFA na pinapayagan ang mga dayuhang barko na may lulang Filipino crews na dumaong sa mga daungan at maaring magamit ang mga ito bilang quarantine facilities ng mga Ppinoy crew.

Ang mga quarantine facility kasama na ang mga barko ay pamamahalaan ng Department of Health (DOH) at ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Read more...