Antas ng tubig sa Angat dam nabawasan

Nabawasan ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Biyernes (April 17) ay nasa 192.68 meters mas mababa sa 192.83 meters na antas nito kahapon.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.58 meters mas mataas sa antas nito kahapon na nasa 100.52 meters habang ang water level ng La Mesa dam ay bahagyang nabawasan nasa 77.01 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.03 meters na antas nito kahapon.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.

Read more...