Naglabas ng guidelines si Trump para sa re-opening ng ekonomiya ng Amerika kasunod ng mga ipinatupad na lockdown dahil sa COVID-19.
Sa unang bahagi ng 3-phase plan sinabi ni Trump na ang malalaking establisyimento gayang restaurants at sinehan ay maaring mag-operate basta’t susunod sa social distancing measure.
Sa Phase 2 ay maari nang payagan ang mga non essential travel at ang mga eskwelahan ay pwede nang magbalik sa operasyon.
Habang sa Phase 3 ang mga medically vulnerable people ay papayagan nang lumabas muli.
Sinabihan na rin ni Trump ang mga gobenador ng ilang estado na pwede na silang magbukas sa May 1 o mas maaga pa.
MOST READ
LATEST STORIES