Alcohol na hindi rehistrado sa merkado naglipana sa merkado

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili ng iba’t ibang brand ng alcohol.

Ayon sa FDA ngayong may problema sa COVID-19 ang bansa ay naglipana sa merkado ang mga alcohol na hindi rehistrado sa ahensya.

Narito ang mga brand ng alcohol na hindi rehistrado sa FDA:

1. DW (Alcosoft) Advanced Ethyl Alcohol 150mL
2. Rubbing Alcohol 70% Isopropyl Alcohol 1 gallon
3. Isopropyl Alcohol (Sanitizer with Moisturizer) 60%
4. Wynbert Soapmasters Inc. Isopropyl Alcohol 70% Solution
5. Safety First Isopropyl Alcohol With Vitamin E & Guava Extract 70% Solution
6. Richskin Germs Away with Vitamin E Ethyl Alcohol 70% Solution

Ayon sa FDA, dahil hindi ito dumaan sa kanila at hindi nila nasuri ay maaring may banta ito sa kalusugan ng publiko.

Binalaan ng FDA ang mga establisyimento na matutuklasang nagbebenta nga nasabing mga produkto.

 

 

 

 

Read more...