Posibilidad na iurong ang pagbubukas ng klase pinagpulungan ng DepEd management committee

PHOTO GRAB FROM PCOO’S FACEBOOK LIVE VIDEO

Nagsagawa ng pulong ang mga miyembro ng Management Committee ng Department of Education (DepEd).

Ito ay para talakayin ang posibleng adjustment sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.

Kabilang si DepEd Secretary Leonor Briones sa dumalo sa virtual meeting.

Magugunitang sinabi ni Biones na nagsasagawa ng nationwide consultation ang DepEd sa stakeholders at education experts.

Naghahanda na rin ng Learning Continuity Plan para patuloy na mai-deliver ang edukasyon sa mga mag-aaral kung sakaling matagalan bago makapagbukas ang klase.

 

 

 

Read more...