Kaso ng COVID-19 sa QC 996 na

Umakyat na sa 996 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Local Government, sa nasabing bilang, 828 na pasyente ay pawang tukoy na ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address.

Sa 996 na COVID-19 cases sa lungsod, 80 ang pumanaw na habang mayroong 76 na naka-recover na.

Mayroon namang 143 pang suspected COVID-19 cases sa lungsod.

 

 

 

Read more...