Mahigit 236,000 na formal sector workers tumanggap ng P5,000 cash assistance mula sa DOLE

Umabot sa 236,412 na manggagawa mula sa 10,663 na mga kumpanya ang tumanggap ng cash assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP).

Ang nasabing mga manggagawa ay tumanggap ng P5,000 cash assistance.

Ito ay makaraaraang ianunsyo ng DOLE ang pagsasara ng online application para sa CAMP dahil hindi na kinaya ng budget ng kagawaran ang dagsa ng aplikasyon.

Ayon sa DOLE, dahil sa dami ng nag-apply ay paubos na ang P1.6 billion na budget ng DOLE para dio.

Mayroon pang 85,563 na manggagawa na na nag-apply na kailangang bigyan ng tulong ng DOLE.

Humingi naman ng pang-unawa ang DOLE sa mga empleyado at employers.

Naghahanap na ng solusyon ang DOLE para makahanap ng alternatibong programa upang matulungan ang mga empleyadong apektado ng enhanced community quarantine.

Read more...