Wala nang aasahang tulong sa pamahalaan ang mga mahihirap na pamilyang Filipino na apektado ng COVID-19 na nakuha lang magsugal at maglasing.
Sa public address, inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Goverment (DILG) na imebstigahan kung sinu-sino ang nasa likod ng painuman, pasabong at iba pang uri ng pasugalan sa Maynila kamakaialan.
“Now itong mga local government units, I’d like the DILG to investigate sinong nagpasabong pati ‘yung nag-iinuman. Alam mo sa totoo lang ‘yung kayong nagsasabong pati nag-inuman, ibig sabihin may pera kayo. Kaya ko pinapa — ipapano kung saan eh. Do not expect any help from me. Sabihin ko talaga: you know wala, sorry na lang. May pera pala kayong pangsabong, may pera pala kayo pang-inom eh ‘di ibigay ko na lang sa iba,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang nagpatupad si Manila Mayor Isko Moreno ng total shutdown sa Barangay 20 sa Parola Tondo mula 8:00 ng gabi ng April 14 hanggang 8:00 ng gabi ng April 15 matapos mag-viral sa social media ang paboksing, sabong, bingo at inuman sa naturang lugar.
“Iyong counting natin na pamilya, in a family, magtanong tayo ilan sila. Kaya ‘yung assistance ibinibigay ng gobyerno eh dapat talaga gamitin ninyo sa wastong paraan,” pahayag ng Pangulo.
Aminado ang pangulo na bumaba na ang suplay ng pagkain dahil ilang araw nang ipinatutupad ang ECQ.
“There’s not enough to go around. Hindi talaga magkasya. We are getting low sa supply ng pagkain na. Ilang araw na ‘yan buong Pilipinas pinapakain mo, 18 million families. Sa isang pamilya ilagay mo na lang apat, lima. Eh ilang bunganga ‘yan,” pahayag ng pangulo.
Pursigido ang pangulo na hindi na abutan ng tulong ang mga pasaway.
“Now for those people who are identified by the barangay captains and the mayors who are violating the quarantine, pasensiya ho kayo. Help would not… Eh kung ganun may pera pala eh. So kulang na kulang nga, ibigay ko na lang talaga sa ‘yung nangangailangan at wala nang mapuntahan. The thing is you must not reduce the population into something like they are hopeless,” pahayag ng pangulo.