P124.45-M hazard pay, special risk allowance ibibigay sa frontliners sa Makati

Mamamahagi ng COVID-19 hazard pay at special risk allowance sa lahat ng Makati city hall frontliner.

Ayon kay Mayor Abby Binay, ibibigay ang hazard pay at special risk allowance sa Makati city hall frontliners na pumasok sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Bahagi aniya ito ng pasasalamat sa serbisyo at sakripisyo para magsilbi sa bayan.

Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 2020-092 para sa alokasyong P124,453,000 pondo para sa ibibigay na compensation.

Read more...