Sen. Go kontra sa pagpapa-resign kay Sec. Duque

Inamin ni Senator Christopher “Bong” Go na may mga pagkukulang si Health Secretary Francisco Duque III sa pamumuno sa laban kontra COVID 19.

Ngunit taliwas ang kanyang posisyon sa 16 kapwa senador na hinihingi ang agarang pagbibitiw sa puwesto ni Duque.

Katuwiran ni Go, mahirap na magpalit ngayon ang namumuno sa digmaan lalo na aniya ay hindi nakikita ang kalaban.

Kasabay pa nito, ang panawagan ng namumuno sa Senate Committee on Health na suportahan at tulungan pa si Duque.

Ayon kay Go, handa naman siyang pangunahan ang pag-iimbestiga ng Senado sa mga pagkukulang at kapalpakan ng DOH ngunit maaring gawin ito kapag napagtagumpayan ang giyera kontra COVID 19.

Read more...